1. Basag ka Villar!

    Villar asks…

    Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura
    nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada
    ’yan ang tanong namin
    tunay ka bang isa sa amin

    Noynoy answers…
    ‘Di pa kami naliligo sa dagat ng basura
    at ang aming Pasko ay sa Hacienda Luisita
    ‘yan ang sagot namin
    eh kasi rich angkan namin

    Gibô answers…
    Sa bathtub lang at hindi sa dagat ng basura
    Nag-Pasko ‘di sa kalye, kundi dun sa Amerika
    at least umaamin
    na super-blessed pamilya namin

    Brother Eddie answers…
    Lalakarin ni Hesus ang dagat ng basura
    sa Pasko papakanin mga tao sa kalsada
    promise niya ‘yan sa akin
    at sa flock ko rin na 5M

    Bayani answers for Gordon…
    Bakit nga ba mayroong dagat ng basura
    ‘Pag Pasko tambak kasi mga ‘yan sa kalsada
    lahat ‘yan dahil sa atin
    tayo ang dapat na sisihin.

    And finally, Jamby answers…
    Si Manny Villar ay dapat lamang ibasura
    Dinoble n’ya ang budget sa iisang kalsada
    ‘yan ang alam namin
    bakit ba ayaw n’yang aminin